Sunday, January 27, 2013

Renovatio

Image

Ilang araw na akong nag-iisip tungkol sa paglalakbay sa nakaraan at ilang dekada ko na rin

g pinag-iisipan kung kailangan ko na nga ba talaga ng kalinga ng mental hospital. Paano nga kaya kung posibleng makabalik sa nakaraan ang isang tao? May mga babaguhin nga kaya siya sa nakaraan niya? Eh paano kung sa pagpupumilit niyang maayos ang mga gusot ng nakaraan, hindi na pala aayon ang lahat sa kasalukyan at sa hinaharap?

Naisip ko lang lahat 'yan matapos kong panoorin 'yung isang palabas kung saa

n binibigyan ng pagkakataon 'yung bida na magpabalik-balik sa nakaraan, basta sasabihin niya lang ang salitang "Renovatio" nang tatlong ulit (na isang salitang Latin na ang ibig palang sabihin ay "total rebirth") at sisigaw ng "DARNA!", ay este 'yung pangalan pala ng taong gusto niyang balikan sa nakaraan. 'Yung bida kasi, mayroon siyang lihim na pagtingin 'dun sa best friend niya sa loob ng 20 taon, at sa kakaisip niya na maaari naman siyang umamin bukas, sa isang bukas, sa isa pang bukas, at pagkatapos ng bukas na 'yun, hindi niya namamalayan, nauubusan na pala siya ng oras. Napagod na sa kakahintay 'yung babae hanggang sa mahanap niya 'yung pinakasalan niya. Best man na lang tuloy ang naging papel ng bida sa kasal ng best friend niya. Nakakapanlumo. Pagkatapos ng dalawang dekada, nang dahil lang sa kakaisip na bottomless naman ang

 bukas, napaglipasan na siya ng panahon.

Ilang araw na kaya ng buhay ko ang nasasayang at ilang pagkakataon na kaya ang dapat kong paghinayangan? Kung sakaling posible nga talaga ang mag-time travel sa nakaraan at mabigyan ng pagkakataon na ayusin at gawin ang mga bagay na maaari ko pang ayusin at gawin, may sapat na oras kaya ako? Baka nga siguro ako naman ang hindi na makabalik sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga bagay na napalagpas at pinagsisisihan ko sa nakaraan.

Medyo nakakatuwa nga rin talaga kasi kung may kakayahan ang tao na magpabalik-balik sa nakaraan. Kung nagsisisi ka na hindi kayo nagkatuluyan, balik lang, suyuin mo siya hanggang sa maituring mo siyang iyong-iyo. Kung bagsak ka sa exam mo ngayon, balik lang, magreview ka nang todo (pero dapat bago ka bumalik, mag-effort kang kabisaduhin 'yung mga tanong para alam mo na mga dapat mong aralin). Kung may napalagpas kang palabas sa TV, bumalik ka lang sa time slot nang gusto mong panuorin. Kung namatayan ka man, balik lang, gawin mo

 ang lahat para maiwas siya sa bagay na magiging sanhi nang tuluyan niyang pamamaalam (kaso medyo nakakakilabot 'yun, so be strong). Kung maibabalik lang sana ang lahat.. kaso hindi eh. IMPOSIBLE.

Siguro nga naging imposible ang time travelling dahil na rin sa may mga bagay talaga na sadyang hindi nangyari dahil sa hindi sila dapat mangyari at may mga bagay na naiwang mali sa nakaraan dahil sa tamang panahon, maitatama rin ang lahat. Walang binibigyan ng pagkakataon na lumipad sa nakaraan dahil lahat ng tao, may sapat na panahon para 

gawin ang mga bagay na nakatadhanang gawin, hindi lang niya naiisip 'yun kasi nga bulag siya sa paniniwala na lahat ng bagay ay kaya niyang paikutin sa sarili niyang mga kamay.

Pero nanlumo talaga ako na imposible pala talaga ang time travelling.

"We all have our time machines, don't we? Those that take us back are memories.. And those that carry us forward, are dreams."

-Time Machine, 2002

Renovatio.. Renovatio.. Renovatio..

 

--

Last for tonight. Good night. :)

No comments:

Post a Comment